“BAKA may pinuntahan lang ang madrasta n’yo, Mr. Laxamana. Imposibleng alam niya agad ang resulta sa isinasagawa naming imbestigasyon. Walang nakakalabas na impormasyon na hindi dumadaan sa akin.” Tinawagan ko ulit si Regie pagkatapos kong makuha ang sagot ng leader ng investigation team. Pagkatapos ng dalawang ring ay nasa kabilang linya na siya. “Nasaan ka na?” “Narito pa rin ako, Sir, sa malapit sa mansion ng madrasta n’yo.” “We need to know Belle’s whereabouts. Hindi pwedeng maghintay lang tayo kung kailan siya babalik at magpapakita. Hindi nga tayo sigurado kung umalis talaga si Belle dahil pwedeng nasa loob lang siya ng bahay niya at sinabi lang na umalis dahil iyon mismo ang bilin niya sa mga katulong.” “Sige, Sir, aalamin kong mabuti kung totoo ang sinabi ng katulong. Babalita