SA PAGKUKWENTUHAN nila habang kumakain, nalaman niyang nagkasakit ang kanyang ninang kaya malaki ang ipinayat nito. Nagkaroon ito ng tuberculosis pero ngayon ay magaling na at nagpapalakas para bumalik sa dati. "Bes, salamat at umuwi ka nang malaman mong pupunta kami rito, ah. Ang saya-saya dahil nagkita ulit tayo." Natigil siya sa pagkain dahil bigla siyang nakaramdam ng guilt. Kung alam lang sana nito na ang totoong dahilan ng kanyang pag-uwi ay hindi naman ang mga ito. Kung hindi gusto lang talaga niya, at syempre ay para madalaw ang ina. At kasali na rin siguro doon ang makasama si Glenard. Nakakalungkot lang na mukhang hindi naman magkakatotoo ang suggestion nito, na kapag umuwi sila ng Sta. Isabel ay gagawin nilang lahat ang ginagawa nila noong palihim pa silang nagkikita dahil gal