Chapter 94

1836 Words

"I'M SORRY kung sinabi ko 'yon. 'Yon lang kasi ang alam kong paraan para maniwala ang gunggong na 'yon. You know, desperado at agresibo ang mga lalaki sa bar lalo na kapag lasing na. Dapat ay alam mo 'yan kung ganyang marunong ka na palang mag-bar ngayon," anito na may himig ng galit sa boses. "Ba't parang nagagalit ka?" kunot-noong baling niya rito. Hindi pa umuusad ang kotse ng binata pero nakatutok lang sa daan ang mga mata nito. "Wala!" singhal nito bagay na lalong nagpasidhi sa pagtataka niya. "Hey, hindi mo naman kailangang sumigaw. Ano ba'ng problema? Bakit pati yata sa akin, e, nagagalit ka?" Sa halip na sumagot ay pumihit ito para balingan siya. Ilang sandali siyang tinitigan nito ng matiim. Wala sa loob na napalunok siya, at naghintay sa susunod nitong sasabihin. Pero nagul

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD