Chapter 93

1354 Words

"ANO, insan, okay ba?" Kumikindat pang ani Karen habang nakataas ang isang kamay na may hawak na kopita ng alak. Malapit ng maubos ang isang bucket na in-order nila ng pinsan kanina. Walang dudang sanay na sanay uminom si Karen. Parang tubig kung lagukin nito ang alak at wala halos epekto iyon sa dalaga. "Oo na. Basta talaga nasa bar ka, masayang-masaya ka!" Kinuha niya ang kanyang baso at nakipag-cheers kay Karen. "Syempre naman, insan. Nakita mo naman, ilang taon na akong naghahanap ng lalaking makakarelasyon ko ng seryoso sa mga ganitong bar, pero hanggang ngayon ay wala pa rin akong nakikita," anito na inilinga pa ang tingin sa kanilang paligid. Ginaya niya ang pinsan. Nang mga sandaling iyon ay marami ng nagsisipagsayawan sa paligid. Nag-uumpisa na ring maghiyawan ang ilang grupo

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD