"SANDRA, kailangan ko ng pumunta sa bigasan, anak, ikaw na ang bahala muna dito sa bahay, ha? Kapag tumawag ang ninang mo, tanungin mo kung kailan ang siguradong araw ng pagdating nila, bilin ng Nanay niya kinabukasan. Kagigising palang niya pero nakagayak at paalis na ang Nanay niya. "Nay, sinabi ko naman ho kasi sa inyo na kumuha na lang tayo ng tauhan na tatao sa tindahan. O kaya naman ho, nandiyan ang iba kong pinsan. Matanda na ho kayo. Ang dapat sa inyo ay namamahinga na lang, e." Nilapitan niya ang ina at niyakap. "Kaya na ho nating maka-survive ngayon, 'Nay." Naramdaman niyang hinagod siya ng ina sa likod. "Hindi naman mabigat ang trabaho ko sa tindahan, Sandra. Isa pa, kilala mo ako. Ayoko ng walang ginagawa simula noon. Mabuburyong lang ako dito sa bahay." Kung iyon lang ay to