Chapter 91

1382 Words

"MABUTI at napilit mong umuwi itong batang ito, Glen? Alam mo'y madalang na itong umuwi buhat nang mapunta sa poder ng Papa niya. Kung sabagay, ano ba naman ang mayroon ako kumpara sa kayang ibigay ng Papa niya." Magkatabi silang nakaupo sa sala ng Nanay niya at nasa katapat nilang upuan ang binata. Tapos na silang kumain at kasalukuyan na lamang nagkakape. Hindi kasi pinayagan ng kanyang Nanay Celia na umuwi ang binata na hindi kumakain. Parang kinurot ang puso niya dahil sa narinig. Hindi niya alam kung biro 'yon o totoo pero isa lang ang alam niya. Ayaw niyang magkaroon ng tampo sa kanya ang ina dahil sa poder ng Papa niya siya namamalagi ngayon. Kinuha niya ang kamay nito at pinisil iyon. "Alam mong hindi totoo 'yan, 'Nay. Syempre gusto ko pa rin na magkasama tayo. Kung ako nga ang t

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD