NAHUGOT niya ang hininga. Hindi niya inaasahang makikita rito ang binata sa dis-oras ng gabi. Mukhang tulog na ang buong pamilya niya, and yet, narito pa rin ang binata. Patay na ang ilaw sa sala. Sa kusina ay ang ilaw na lang na galing sa poste sa labas ang nagbibigay liwanag. "A-anong ginagawa mo dito? A-alam ba nina Papa na n-nandito ka? I-ibig kong sabihin, mukhang tulog na sila at—" "Yeah. Alam ni Tito. Actually, susunduin ko dapat ang Papa. Pero nagpahatid na pala sa driver ng Papa mo. Nawala sa isip ko na tawagan muna siya kanina," sabi nito na humahakbang na palapit sa kanya. Hindi tuloy niya malaman ang gagawin. Lalo at bumalik sa isip niya ang lahat ng sinabi ni Tito Juancho kanina. Na may palagay diumano ito na hanggang ngayon ay mahal pa rin siya ng binata. Nakaramdam siya n