Chapter 88

1028 Words

"WHAT'S the real score between you and Glenard, hija?" Nagulat siya sa tanong na iyon ng Papa niya kinaumagahan nang dalhan niya ito ng kape sa garden. Kapag maaga siyang nagigising ay doon siya dumidiretso at sabay silang nagkakape ng ama. Hanggang ngayon ay paborito pa rin nito ang timpla niya kagaya noong nanilbihan siya bilang sekretarya nito. "Papa?" dahil nabigla ay iyon lamang ang naging reaksyon niya. Naibaba niya ang tasa ng kape at napatitig sa ama. Seryoso din ito pero hindi niya mabasa ang damdaming nakapaloob sa anyo nito nang mga sandaling iyon. "Nakita ko kayong dalawa kagabi." Nawalan siya ng kibo. Nakaramdam siya bigla ng hiya sa ama gayung alam naman niya sa sarili na wala naman silang ginawang hindi maganda ni Glenard. Pakiramdam niya ay namula ang kanyang mga pisng

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD