"ENOUGH all your damn lies, Sandra! Kung anuman ang hinala ko sa inyong dalawa noong una palang ay totoo pala. No wonder you were hesitant nang alukin kita ng kasal! Kaya pala bigla ka na lang natakot. Kaya pala ang tingin ko sa 'yo nang mga sandaling iyon ay nagdadalawang isip. 'Yon pala ay dahil sa lalaking 'to na akala ko ay kaibigan ko. Ano'ng plano n'yo, ha? Plano n'yo ba na magpapakasal ka nga sa akin pagkatapos ay huhuthutan ninyo ako ng pera?" Humigingal ito sa matinding galit. Kung nakamamatay lang marahil ang masamang tingin ay kanina pa sila bumulagta ni Darius. "Kunwari ay hindi mo gustong tumanggap ng pera mula sa akin! Kunwari ay ayaw mo ng mga materyal na bagay pero palabas mo lang pala ang lahat. Plano mong magpakasal sa akin habang karelasyon mo ang lalaking 'yan para maka