MASAYANG salo-salo ang naganap nang araw na iyon. Napatunayan niyang totoong wala na ngang alitan ang mga pamilya nila ni Glenard. Malalakas na tawanan ang maririnig habang nagkakasayahan ang mga ito at salitan na nagsisikanta sa videoke. Hindi niya napigilan ang napangiti. Kaysarap tingnan ng mga kamag-anak nila. Akala niya ay sa panaginip na lamang niya makikita ang ganito pero heto at nangyayari na. Napakasarap sa pakiramdam na wala na siyang inaalala na baka may magalit dahil magkasama sila ni Glen. Matagal na niya iyong ipinagdarasal. Marahil ay nakulitan na sa kanya ang Diyos dahil paulit-ulit niya iyong hinihiling kaya heto at tinupad na Niya. "Bakit napapangiti ka diyan?" untag ni Glenard na noon niya napansing nakatitig pala sa kanya ng buong pagmamahal. Wala sa loob na napangit