"WE'RE so happy for you, hija. Sa wakas ay magiging masaya ka na," anang ninang Fe niya nang muli siyang ihatid ni Glenard sa bahay ng mga ito nang umuwi sila buhat sa salo-salo sa Sta. Isabel. Ayaw pa sana siyang ihatid ng binata pero nagpumilit siya. Nahihiya na kasi siya sa ninang niya. Baka sabihin ng mga ito na nagkalinawan lang ulit sila ni Glen ay hindi na siya umuwi. Malaki ang utang na loob niya sa pamilya nina Laiza kaya ang sumama ang loob ng mga ito sa kanya ang pinakahuling bagay na gugustuhin niyang mangyari. "Salamat ho, ninang. Pasensiya na ho kayo kung hindi na ako nakauwi no'ng—" "Sus! Huwag mo ng isipin 'yon dahil masayang-masaya nga kami sa nangyari." Napangiti siya pagkatapos ay napabaling ang tingin niya kay Laiza. Akala niya ay magagalit ito sa kanya dahil sa nang