NANG araw ring iyon ay umuwi sila sa probinsya. Napakabilis man para sa kanya ang mga pangyayari, wala namang pagsidlan ang kanyang kaligayahan. Mula noon ay ito naman talaga ang pangarap niya. Ang makasal kay Glenard na kaisa-isang lalaking minahal niya. Marami mang agam-agam sa kanyang sistema, lahat ng 'yon ay nawawala kapag naiisip niyang malapit na silang maging isa ni Glenard. Kanina nang ihatid siya ng binata sa bahay ng kanyang ninang Fe ay wala na siyang dinatnang tao roon kung hindi si Agnes lang. Nagsipasok na ang mga ito kaya pagbalik na lang niya makakausap. Si Laiza ay tinawagan na siya at sinabi nitong masayang-masaya para sa kanya. Tampo lang raw ito ng kaunti dahil nagawa niyang ilihim na matagal na niyang kakilala si Glenard at mayroon silang nakaraan. Ipinaliwanag nama