MABILIS na lumipas ang araw. Palibhasa'y sustentado ni Glenard ng salapi ang mga taong kumikilos para sa kanilang kasal, mabilis naiayos ang lahat. Kahit kaliit-liitang detalye ay binusisi nito para raw siguradong walang magiging aberya. Tunay na wala na siyang mahihiling pa. Siya na siguro ang pinakamasayang babae sa balat ng lupa. May mga pagkakataong napapaisip siya. Siguro ay ito na ang kapalit ng mga pagdurusang pinagdaanan niya. Marahil ay panahon naman niya ngayon para sumaya na. "Ayaw mo ba talagang sumama?" malungkot na tanong ng binata nang gabing iyon nang bisitahin siya nito sa bahay nina Laiza. Nakatakda itong umalis kinabukasan para bisitahin ang kompanya nito sa America at hinihimok siya nitong sumama rito, bagay na tinanggihan niya. Umayos siya ng upo at hinawakan sa kama