Chapter 71

1339 Words

KINAHAPUNAN ay naisipan din niyang lumuwas. Tinawagan na lamang niya ang Nanay niya at hindi na niya hinayaang abutan pa siya nito sa bahay nila. Magang-maga ang kanyang mata at mapulang-mapula ang kanyang ilong. Gusto niyang bago siya tanungin nito kung ano ang nangyari ay mayroron na siyang isasagot sa ina. Tumuloy siya sa inupahang apartment. Pagdating na pagdating niya ay muli siyang nag-dial at umasang makakausap niya si Glenard. Nabuhayan siya ng loob nang marinig na nag-ri-ring na ang cellphone nito. Kumakalabog ang dibdib niya. Umuusal siya ng dasal na sana ay sagutin nito at kausapin siya. Nahugot niya ang hininga nang tumigil ang pag-ring niyon tanda na may sumagot na sa kabilang linya. Pero natigilan siya nang marinig ang boses nito. "Hello?" anang tila bata sa kabilang liny

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD