Sabado ng umaga nang magising si Enzo. Kakalabas pa lang nito ng silid nang mapansin niya na napakatahimik ng bahay. Isa-isa niyang tinungo ang mga silid ng tatlo upang suriin kung ano ang ginagawa ng mga ito-- tulad ng nakagawian. Agad niyang tinungo ang silid ni Enrique nang makitang wala si Lucca sa silid nito. Napakunot noo siya nang makitang walang katao-tao sa loob ng silid. Agad niyang tinungo ang silid ni Aurelio at nang hindi ito makita roon ay nagkukumahog nitong tinakbo ang silid ni Gabriel-- at tulad ng nauna ay nabigo siya. "Maria!" Tawag niya nang makita niyang papasok ang dalaga sa collection room ni Margaux. Napatigil ang dalaga at napalingon sa kinaroroonan niya. "Lord Enzo!" Bulalas nito saka nagmamadaling lumapit, gayon din si Enzo na sinalubong ito. "Nasaan sila?" t

