"Why here?" tanong ng dalaga nang marating nila ang overlooking na restaurant na pinagdalhan sa kanya ni Magnus noon. "I like it here," sagot ng binata. "Welcome back, Mr Alphamirano." Bati ng manager ng restaurant "Good afternoon." Napatingin si Margaux sa binata saka napangiti. Ito ang isa sa mga katangian ng binata na labis niyang hinahangaan. Kahit gaano man kataas ang antas nito ay sadyang magalang pa rin ito. Inalalayan at pinaghila siya ng upuan ng binata, "coffee and cake," saad ng binata. Agad naman silang nilagyan ng menu. "Please choose which coffee do you like, my love." Malambing na turan ni Magnus sa kabiyak. "Dark." Sumenyas ang binata sa waiter upang i-take note nito ang kanilang order, "and blueberry cheesecake, please," dugtong ng dalaga. "I'll order the same," saa

