Pagkatapos na patulugin ang mga anak ay inumpisahan nang ligpitin ni Joanna ang sorpresa niya kay Dean. Isa-isa iyong inilagay ni Joanna sa safetuy box at kinandado. At bukas na bukas din ay sabay nila iyong ililibing na mag-asawa sa kanilang bakuran. Unti-unting umupo sa gilid ng kama si Joanna, habang namamasa ang mga matang pinagmamasdan ang mga nakakahong parte ng kaniyang nakaraan. May bahagi ng puso ni Joanna ang nasasaktan dahil sa tuluyan niyang pagsara sa buhay niya bilang si "Cat" ng Animaux. But Dean was right then. Tuluyan lang na matatahimik ang loob niya kung tuluyan na rin niyang ibaon sa limot ang pagiging si "Cat". Tatlong taon din niya iyong ipinaglaban sa asawa. Pero ngayon ay handa na si Joanna. At iyon ang surprise niya mamaya kay Dean. Excited na siyang isalubong sa