Pagkatapos sila noong parangalan ni Lady Fox dahil sa pagtatapos ng two years training at idineklarang official protector nito sa Pilipinas, pumirma sila ng kontrata. Niliwanag doon na hindi sila kasosyo ng ano mang negosyo nito, na protector lang ang role nila sa grupo. Ipinagkatiwala rin ni Lady Fox kay Bernard ang pamumuno sa grupo. Hindi raw ito mangingialam sa ano mang desisyon nila basta't walang kinalaman kay Lady Fox o a mga nesgosyo nito. Puwede silang gumawa o bumuo ng sarili nilang rules. Nakasaad din sa kontrata na sa bawat misyong matatapos ng Animaux ay may katumbas na malaking halaga. Protektado rin sila ni Lady Fox at ng buong Seven Heads. Pati na rin ang kani-kanilang pamilya. At kung sino mang kakikitaan ng angking galing at katapatan ay posibleng makapasok sa mismo