Dreco's POV Matiim akong nakatingin sa kalsadang tinatahak ng kotseng minamaneho ko. Naka-angkas sila Johnson at Brent na parehong tahimik dahil alam nilang bubulyawan ko lamang ang mga ito. Maski si Johnson ay gustong agawin ang manibela at siya ang magmaneho dahil sa takot na wala ang konsentrasiyon ko sa pagmamaneho. Pero binigyan ko lang ito nang matalim na tingin. Binabagtas naman ang daan kung saan ay patungo kami sa naglalakad ng permit ng lahat ng Private plane ko. Ipapa-trace ko ang numero ng chopper na nakita sa cctv. Kaya kong magbayad ng malaking halaga at kahit buong yaman ko pa mabawi ko lang ang anak ko. Diniinan ko ang tapat sa gas kaya lalong humarurot ang kotse. Kita ko sa salamin na napakapit nang mahigpit ang dalawa at bakas na ang takot sa mga i