Chapter 44 LIGAYA'S POV "D-Dakila," iyan na lang ang nasambit ko na naka tingin sa madilim at nakaka takot niyang mga mata. Bigla kaagad ako nangilabot na hanggang ngayon hindi niya pa rin binibitawan ang kamay ni Makisig na hawak-hawak niya pa rin at pinapatay niya ito sa talim at sama kong paano tignan. Mariin na lang ako napa lunok ng laway at namumuo na ang tensyon sa pagitan nilang dalawa lalo't si Makisig walang kibo pa rin ngunit nakikipag kompitensiyahan ito ng matalim na tingin kay Dakila, na animo'y nakikipag laro ito sa paraan na titig nito. Dumaplis na lang ang malamig na pawis sa aking noo na napako na lang ang tingin kay Dakila sa huling pag kakataon ngunit, walang bahid na emosyon siyang pinapakita. Kay talim ng titig niya kay Makisig na nag papahiwatig na hindi niya n

