NILIBOT na ni Dylan ang buong safe house pero hindi niya makita si Charmaine. Hindi ito sumagot sa mensahe niya. Aligaga na siya. Nakarating na siya sa labas at lahat ng guwardiya ay tinanong. May isang nakapagsabi na huling namataan Charmaine sa hardin. Kaagad siyang sumugod sa hardin. Sinuyod niya ang buong paligid ngunit hindi niya makita ang dalaga. Pagdating niya sa kalagitnaan ng hardin ay nasagi ng paa niya ang pamilyar na cellphone. Pinulot niya ito. Nang buksan niya’y nakita niya sa screen ang litrato ni Charmaine. Pag-aari ng dalaga ang cellphone. Kinabahan siya sa isiping may nangyaring masama sa dalaga. Hindi niya masagap ang heartbeat nito. Kung may kumuha sa dalaga, wala siyang ibang iniisip na salarin kundi si James. Hindi rin niya masagap ang aura nito. Bumalik siya sa ac