ISANG linggo nang nasa puder ni James si Charmaine. Sinamahan siya nito sa family house nila na abandonado na. Pinagtulungan nilang linisin ang dalawang palapag nilang bahay. Unti-unti na ring naaayos ang mga nasirang establismento sa bayan pero wala pang bukas na pamilihan dahil ipinagbabawal pa rin sa mga tao na bumalik sa kani-kanilang lugar. Unti-unti nang bumabalik sa normal ang lahat. Kapag gabi lang lumalabas si James para maghanap ng pagkain. Hindi na ito bumalik sa grupong kinabibilangan nito pero patuloy itong pinaghahanap ng mga kasama nito. Nakapagluto na siya ng hapunan nila. Hindi niya napag-isipan ang menu nila. Pero nang maluto na ang lemon chicken ay bigla niyang naisip si Dylan. Hanggang sa mga sandaling iyon ay nalilito pa rin siya sa nararamdaman niya. Gusto niyang ma