BIANCA Nang matapos kaming kumain at maligo, nagpasya kaming umalis para pumunta sa simbahan sa bayan kasama ang aking mga magulang. Umupo ako sa passenger seat, katapat ni Mateo, habang tahimik siyang nagmamaneho at nasa backseat naman parehong nakaupo ang mga magulang ko. Tahimik ang naging biyahe namin hanggang sa nakarating kami sa bayan. Tanging ako lamang ang nagsalita nang ituro ko sa asawa ko ang daan papunta sa simbahan. Tanging ang malamyos na musika mula sa stereo ang naririnig namin hanggang sa nakarating kami sa simbahan. Naging mabilis naman ang proseso at nakakuha agad kami ng appointment para sa araw ng aming kasal. Dahil kasal na kami ni Mateo, hindi na sila humingi ng karagdagang mga kinakailangan. Agad na nakapagparehistro kami at nakakuha ng iskedyul para sa gagana