BIANCA Araw-araw, maaga pa lang ay kasama na ni Papa si Mateo sa bukid. Ngayon nga, siya na lang ang mag-isang nagpapastol ng mga kabayo at ng alagang hayop ng mga magulang ko. Limang araw na kami dito sa probinsya. Katatapos lang rin naming dumalo ni Mateo ngayon sa unang araw ng seminar namin sa simbahan. Nakapili na agad kami kahapon ng gown na isusuot ko, at ganoon din ang asawa ko, kaya sa mga abay na lang ang kulang dahil wala pa kaming nakuhang sukat nila. Tinawagan ko sina Sheng at Mavie dahil sila rin ang gusto kong maging abay, kasama ang mga kapatid ko sa kasal ko. Pumayag naman si Mateo, at ganoon na rin ang mga kaibigan ko. "Hun, hindi ba natin puwedeng tawagan ang kapatid mo para kunin nating abay sa kasal natin?" tanong ko kay Mateo na abala sa pagmamaneho. "Paulit-ulit