BIANCA Habang nagsasaing ako ng kanin, lihim na nakikinig ako sa usapan ni Mateo at ng aking ama sa labas. Pero dahil malayo ang distansya ng kusina sa sala, wala naman akong maunawaan. "Magsabi ka sa akin ng totoo. Saan mo ba nakilala ang lalaking 'yan?" masungit na tanong ni Mama. "Sa bus po," agad na sagot ko. Hindi ko sinabi sa kanila ang tungkol dito tuwing tatawag ako nitong mga nakaraang buwan para kamustahin ang mga magulang ko dahil alam kong magagalit sila sa akin. Napa-ngiwi ako nang kurutin ako ni Mama sa aking tagiliran. Masakit at mahapdi ito dahil mariin kung mangurot ang aking ina. Hindi pa rin siya nagbabago, kahit nagka-edad na ay malakas pa rin kung mangurot. "Mama naman, hindi na ako bata," nakangiwing reklamo ko. "Kailan mo pa nakilala ang lalaking 'yan, Bianca