BIANCA Naging masaya ang ginanap na Christmas party dito sa kampo. Inabot ako ng hatinggabi at hindi na sumabay sa pagpupuyat ng ibang naroon dahil ayaw ni Mateo na mapuyat ako. "Puwede ka namang bumalik doon kung gusto mo. Okay lang ako dito," sabi ko kay Mateo matapos niyang buksan ang pintuan at pumasok kami sa loob ng bahay na kanyang tinutuluyan. Bilang pinakamataas na opisyal dito sa kampo, may malaking bahay ang personal na para sa kanya. Kumpleto na rin sa gamit. Puwede na nga akong tumira dito kung gugustuhin naming dalawa, pero hindi pa namin napag-usapan ang tungkol dito. "It's okay, hun. Dito na lang ako para may kasama ka," malambing na sagot ng asawa ko. Maingat na kinabig niya ako at mabilis na hinalikan sa labi. "Kanina ko pa gustong gawin 'to, kaya lang maraming tao