BIANCA Mula sa pribadong klinik na pinuntahan namin ni Mateo, dumaan kami sa palengke at namili siya ng mga prutas para sa akin. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na buntis na nga ako at tatlo pa. Ang liit kasi ng aking katawan at hindi ko alam kung kakayanin kong ipagbuntis ang tatlong bata, pero kahit anong mangyari, nangako ako sa aking sarili na hindi ko pababayaan ang mga anak ko. "Okay ka lang ba, hun?" malambing na tanong ni Mateo habang nagmamaneho pabalik sa kampo. Bumaling ako sa asawa ko at ngumiti. "Ayos lang ako, ikaw? Kumusta ang pakiramdam mo?" Bigla na lang siyang bumagsak sa sahig kanina, kaya napasigaw ako at mabilis na bumangon. Kahit nag-aalala ako na baka nabagok ang kanyang ulo, kinalma ko ang sarili ko dahil sabi ng doktor na sumuri sa akin, nak