CAPTAIN MATEO MONTENEGRO "Hun, maliligo muna ako. Pinagpawisan kasi ako kanina," paalam ko sa aking asawa. "Okay," tipid niyang sagot. "Gusto mong sumabay sa akin?" "Sige," inaantok niyang sagot. Nakita kong naghihikab si Bianca habang nakasandal sa balikat ko, kaya inaya ko na siyang maligo para makapagpahinga na siya pagkatapos naming kumain. Bago pumasok sa banyo, tinawagan ko ang isa sa aking mga tauhan at inutusan ito na maghanda ng pagkain para sa amin ng asawa ko. Matapos naming maligo, niyaya ko munang kumain ang asawa ko. Kauupo pa lang namin nang ngumuso si Bianca. Biglang nalukot ang kanyang mukha at nagsalubong ang mga kilay. "Bakit maitim ang kulay n'yan, Mateo? Ang pangit tingnan," nakasimangot na tanong ni Bianca habang nakatitig ang mga mata sa nakahain na adobong m