CAPTAIN MATEO MONTENEGRO Abala ako sa mga papeles na nasa ibabaw ng mesa sa harap ko at pinag-aaralan ang report na binabasa ko nang may narinig akong mahinang katok mula sa labas ng pintuan ng aking opisina. “Come in!” Bumukas ang pintuan at pumasok ang isa sa mga tauhan ko. Agad siyang sumaludo sa harap ko at sinabi kung bakit siya narito. "Sir, may babae pong naghahanap sa inyo sa labas," magalang na sabi ni PFC Ramirez. "Sino?" maikling tanong ko, dahil wala naman akong inaasahang bisita. Wala rin akong ibang appointment ngayong araw, kaya't hindi ko inaasahan na may biglang maghahanap sa akin, maliban na lang kung importante ang sadya nito. "Si Miss Altamerano po," magalang na sagot agad ni PFC Ramirez. "Ang sabi po niya, kilala mo raw po siya, Sir, at personal ang sadya niya s