BIANCA Matapos ang isang linggong bakasyon ko, bumalik na ako sa trabaho. Sa loob ng tatlong araw, hatid-sundo ako ni Mateo sa hotel. Pareho na nga kami ni Mavie, dahil ganoon din naman si William sa kanya. Wala na tuloy pumupunta sa apartment na inuupahan namin ng kaibigan ko. Sa condo ni Mateo ako ngayon umuuwi, matapos naming kunin ang mga gamit ko doon, at si Mavie naman ay napikot na raw siya ng tuluyan ni William at sa bahay na ng lalaking iyon nakatira. Minsan ay nagkasabay pang maghintay sa amin ang dalawa. Dahil nalipat si Mavie sa pang-araw na duty, kaya magkasama na kami ulit. Mabilis naman na nagkasundo sina Mateo at William, at inimbitahan pa niya ang asawa ko sa nalalapit nilang kasal ng best friend ko sa Enero. Nang dumating ang araw na kailangan nang bumalik ng asawa ko