ISANG katok ang maririnig sa pinto ng opisina ni Andriano, subalit para bang hindi ito narinig ng lalaki. Sa lalim ng iniisip niya, ni hindi niya napansin ang marahang pagbukas niyon at ang pagsilip ng ulo ng dalagang si Maggie. Muling kinatok ng babae ang pinto kahit nang makapasok na ito nang tuluyan. Doon naman siya bumalik sa reyalidad. Mabilis siyang nag-angat ng mukha at napatayo nang makita ang bagong dating. "Maggie, bakit ka naparito?" Nakaramdam siya ng pagkaasiwa nang maalala ang nangyari sa kanila ng babae. Pagkatapos niyang magising sa kama habang nakayakap sa kaniya ang dalaga at pareho silang nakahubad, hindi na siya muling nakipagkita pa rito. Hindi niya alam kung bakit nagawa niya ang bagay na iyon kay Patti. Ni minsan ay hindi siya ganoong klaseng lalaki sa dating mga