AFB 29

1451 Words

WALANG tigil sa pagtunog ang cell phone ni Andriano at ang telepono sa loob ng mansiyon. Oras-oras ay nakatatanggap siya ng tawag mula sa mga taong naghahanap sa kaniya sa dalawang kompanyang pinatatakbo niya. Kung hindi tawag ay binobomba naman siya ng text messages ng mga ito. Kalahating buwan na simula nang mangyari ang aksidente, at kahit puspusan ang ginagawang paghahanap ng mga pulis at maging ng mga tauhan niya, hindi pa rin nahahanap si Patti. Araw-araw gumigising siya sa kaunting pag-asa na muli pang makita ang asawa, subalit araw-araw din siyang pinanghihinaan ng loob kung muli pa ba niya itong makikita. "Tama. Ito ang parusa sa akin." Hindi niya napigilan ang mapaluha habang hawak ang baso ng alak sa kaliwang kamay. "Parusa sa akin dahil sa ginawa ko." Mariin siyang pumikit

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD