"What do you think you're doing!" Mabilis niyang dinampot ang supot ng cotton at marahas itong tinapon sa mukha ng lalaki. "Bastos kang mukhang bulldog ka! Magdamit ka kung ayaw mong sipain kita palabas!" "Sandali lang naman—aray! Ano ba?" Malakas niya itong pinaghahampas sa braso. Kulang na lang ay kunin niya ang palanggana at ihampas sa ulo nito. "Hindi ka ba naaawa sa akin? Ang dumi-dumi na ng damit ko, oh? Puno pa ng dugo!" "Wala akong pakialam kahit ibinabad mo pa iyan sa putikan! Magdamit ka!" "Pahiramin mo na lang kaya ako ng damit! Sigurado namang marami si Mang Miyong diyan! Nasaan na nga pala siya? Natutulog na ba?" Natigilan siya nang marinig ang tanong nito. Huminga siya nang malalim bago pumasok sa kuwarto niya at dumiretso sa aparador. Binuksan niya iyon at naghanap ng

