MALAPIT nang pumatak sa alas-kuwatro ng hapon ang orasan noong mga sandaling iyon. Nasa loob ng silid-aklatan si Andriano at paulit-ulit na pinanonood ang bidyo ni Patti noong nasa mansiyon pa ito. Labas-masok ang babae sa loob ng library at walang kasawaan na binabasa ang libro tungkol sa mga mitolohiya. Kadalasan pa ay inaabot ito ng ilang oras sa loob ng silid-aklatan. Napalunok siya bago bumaba ang mga mata niya sa librong hawak. Aklat iyon ng Greek Mythology, iyon ang palaging binabasa ni Patti, kahit noong palagi itong mag-isa dahil buong gabi siyang nasa opisina, iyon lamang ang tanging libangan ng babae. Inabot niya ang baso ng alak sa ibabaw ng mesa, sakto naman ang ilang katok sa pinto. "Bukas iyan." Bumukas ang kahoy na pinto ng library at iniluwa ang dalagang si Lucia. Naka

