TUMIGIL sa likuran ng desk chair ni Andriano ang dalagang si Maggie at isa-isang tinitigan ang mga nakapatong na trophy, awards at certificate sa ibabaw ng storage cabinets sa loob ng office nito. Mababa lang iyon at hanggang baywang lang niya. Mula sa mga trophy ay nabaling naman sa naka-display na mga larawan ang paningin niya. Tatlo lang ang frame na naroon, ang isa ay litrato ni Andriano kasama ang mga magulang nito, ang isa pang nasa dulo ay picture nito at ni Hilda, at ang nasa gitna ay ang wedding picture nito at ni Patti. Umarko ang kilay niya kasabay ng pagdampot sa frame ng wedding picture ng dalawa. "Mapapalitan din kitang bouncer ka." Napangisi siya sa sariling sinabi. Minsan, hindi niya alam kung malabo lang ba talaga ang mga mata ni Andriano o sadyang bulag ito. "Sa dami