IBINABA ni Andriano sa ibabaw ng side table ang baso ng alak. Nakatitig siya sa larawan ni Patti na kanina pa niya hawak. Gabi na noong mga sandaling iyon at nakaupo siya sa kama habang nakasandal ang likod sa headboard. Mula sa larawan ng asawa ay bumaba ang paningin niya sa annulment papers sa kaniyang tabi. Mas lalong mapapadali ang paghihiwalay nila ngayong hindi niya mahanap si Patti, pero hindi siya papayag na mangyari iyon. Gagawin niya ang lahat ng makakaya niya, huwag lang mapawalang bisa ang kanilang kasal. "Hindi kita pakakawalan, Patricia. Kahit kamatayan, hindi tayo mapaghihiwalay." Hanggang sa mga oras na iyon ay hindi pa rin nahahanap ang babae. Mas lalong lumakas ang paniniwala niya na buhay pa ito dahil kahit sinuyod na ang buong lugar at maging ang dulo ng ilog, wala p

