NATIGILAN si Tricia nang sa pagpasok niya sa loob ng pribadong silid ni Andriano, bumungad sa kaniya ang lalaki at si Carol habang magkayakap. Malakas na kumabog ang kaniyang dibdib, unti-unting kumuyom ang mga kamao niya. Hindi naman inaasahan ni Andriano ang pagdating niya. Sa gulat ay mabilis nitong naitulak si Carol dahilan upang muntikan nang matumba sa sahig ang babae, kung hindi lamang nito maagap na nahawakan ang kamay ng dalaga. "M-ma'am Patti!" Nanlalaki ang mga mata ni Carol sa gulat. Umarko naman ang kilay niya nang makita na inaayos nito ang sarili. Animo'y may nangyari sa dalawa. "Sorry to disturb the two of you." Hindi niya napigilan ang hindi mapairap bago muling lumabas ng kuwarto. Nakabusangot ang mukha niya habang binabagtas ang daan palayo sa silid. Nag-effort pa m

