Agad siyang natigilan at napaupo nang tuwid. "What?" Nahulog siya sa malalim na pag-iisip dahil sa mga sinabi ni Carol. Bakit iyon ang hihilinging kapalit ni Mrs. Red? Isa na naman ba ito sa nagbabanta sa buhay ng asawa niya? O isa sa mga kalaban ng pamilya ni Sergio? Kung sakaling kalaban ito ng mga Fortalejo, bakit pumasok ito sa kompanya nila at nakahanda pang magbigay ng malaking pera? Magiging kakampi niya ba ito o kakampi ni Hilda? "You said she's in the Philippines right now?" Tumango sa kaniya si Carol. "Set me up for a meeting with her. I need to talk to Mrs. Red, ASAP." Napatango si Carol kahit na halata sa mukha nito na may gusto pa itong itanong. Matapos lumabas ng sekretarya niya, hindi na muli siya nakapagpokus sa trabaho. Nawala na rin sa isip niya si Tricia dahil abala

