TUMIGIL si Andriano sa tapat ng kanilang mansiyon at nagmamadaling umakyat sa pangatlong palapag. Kinuha niya ang lahat ng kailangan niya, lalo na ang mga papeles na matagal niya rin inipon at inihanda. Palabas na siya ng silid nang dumating sina Ada at Ligaya. "Sir, ano'ng nangyayari? Bakit may dala kayong mga bagahe?" Inabot niya kay Ligaya ang mga dala niya at sinabihan itong patagong ipasok ang mga iyon sa trunk ng kaniyang sasakyan. Agad naman tumalima ang dalaga. "Wala na akong oras, Manang Ada. Tumakas lang ako sa ospital. Paniguradong hinahanap na ako ngayon ni Roger at baka papunta na siya rito." Napalitan ng kaba at pag-aalala ang pagtataka na makikita kanina sa mukha ni Ada. "Sigurado ba kayong nakuha n'yo lahat?" Ilang ulit na tumango ang babae sa naging tanong niya. "Siy

