"Oh, my God." Marahan siyang napailing, nakaawang ang mga labi, hindi makapaniwala. "No. No, this can't be happening. No!" "Cupcake." "Huwag kang lalapit!" hindi niya napigilan ang hindi sumigaw. "Lumayo ka!" "Cupcake, please . . . " "Gusto kong mapag-isa! Umalis ka!" Nag-angat siya ng mukha rito habang puno ng luha ang mga mata niya. Kitang-kita naman ang awa sa buong mukha ni Andriano. Nang lapitan niya ang mga gamit na naka-display sa paligid at sinimulan itong pagtatapunin sa sahig, walang nagawa ang lalaki kundi iwan siya at lumabas ng silid nito. ——— KANINA pa nagpapabalik-balik ng lakad si Andriano sa labas ng silid ni Tricia. Ilang oras na mula nang iwan niya itong mag-isa at hindi na siya mapakali. Sinubukan niyang kumatok sa pinto nito. "Cupcake?" Nang lumipas ang ilang

