Nalukot naman ang mukha ni Tricia nang makitang akmang susubuan niya ito. "Ano ba, Andriano—" Natigilan ang babae nang dumiretso sa loob ng bibig nito ang kutsara na may kanin at ulam. Sa sobrang inis ay hinampas siya nito sa braso na ubod nang lakas. Sa kabila ng pangingirot ng braso, napangiti siya nang makitang nginunguya na nito ang pagkain. "Masarap?" Halos mag-isangguhit ang mga kilay nito kasabay nang pag-iling. "Too spicy! At masiyadong maalat!" "Masarap naman, ah?" natatawa niyang turan matapos sumubo rin. Kinuha ni Tricia ang baso ng juice at uminom. Umiirap pa rin ito habang inuubos ang laman ng baso. "Tapos na ako. Magsalita ka na." "Pero nakakaisang subo ka pa lang." "Ano ba, Andriano! Ginawa ko na ang gusto mo, tumupad ka naman sa usapan!" Tuluyan niyang ibinaba ang

