BUMUNTONG-HININGA si Patti bago ibinalik ang larawan nila sa ibabaw ng mesa. "Yes." "Pero bakit wala siya rito? Bakit hindi kayo magkasama?" Niyakap niya ang sarili dahil maging sa mga oras na iyon, natatabunan lang ng kulay rosas na tuwalya ang h***d niyang katawan. "May amnesia siya." "Amnesia? Iyon bang walang maalala?" Tanging tango lamang ang naitugon niya rito. "Then make him remember you. Hindi ba dapat lang na nandito siya ngayon? Para mas madali ka niyang maalala." Malungkot niyang nilingon si Aldrin saka inilingan. "Hindi puwede. Maselan ang lagay niya." "I don't get it. Ipaintindi mo nga sa akin." Sandali siyang pumasok muli sa banyo para magbihis. Sa paglabas niya ay nakasuot na siya ng ternong pajama. "Wala siyang maalala sa nakalipas na limang taon. Isa ako roon sa mg

