AFB 56

1313 Words

MAGKAHAWAK-KAMAY sina Andriano at Tricia habang binabagtas ang gilid ng daan patungo sa bahay ng babae sa Amadeo. Maganda ang panahon noong araw na iyon. Maliwanag ang langit ngunit hindi mainit ang paligid. Malakas ang ihip ng hangin at magaan sa pakiramdam ang bawat hakbang na kanilang ginagawa. Bago tuluyang pumasok sa loob, tumigil siya sa harap ng kahoy na pinto ng bakuran at banayad ang ngiting binalingan si Tricia. Sinalubong siya nang maaliwalas na mukha ng babae. Ngayon niya lamang ito muling nakita sa ganoong kakalmadong hitsura. "Hindi ka ba galit sa akin?" Huminga nang malalim si Tricia nang marinig ang tanong niya. "I will decide on that after hearing all the truths. Ayaw kong basta maniwala kay Hilda. Ayokong magpauto sa kaniya. At kahit totoo pa ang mga sinabi niya, hindi

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD