NGUMITI si Andriano habang naglalagay ito ng ham sa binili nitong mainit-init pa na pandesal. Nilagay nito iyon sa plato niya, at isang fried egg, ilang hiniwang kamatis at ilang piraso ng longganisa. "Kumain ka muna. Naririnig ko na ang pagrereklamo ng tiyan mo." "Buwiset ka," natawa silang pareho sa sinabi niya. Hindi na siya nagreklamo at nag-umpisa na lang na kumain. "Matalik na magkaibigan sina Itay Miyong at Dad, nakilala nila sa parehong pagkakataon si Nanay Patra. Umpisa pa lang, minahal na ni Dad si Nanay, pero ayaw ni Nanay Patra sa mga mayayaman at nagkataon na torpe si Itay Miyong." "Si Tatay, torpe?" Mahina siyang natawa. "Parang wala naman sa ugali niya." Natawa rin bigla si Andriano. "Dad courted Nanay Patra for months, but she chose to turn him down. Ikinasal si Dad at

