MATAGAL na oras nang pinagmamasdan ni Andriano ang dalagang si Steffani mula sa malayo. Nasa hardin siya ng isang psychiatric hospital kung saan malaya niyang nakikita ang babae habang nakaupo ito sa bakal na bench. Naramdaman niya ang kaluskos sa likuran niya. Ilang ulit pa siyang lumunok bago tuluyang hinarap ang lalaking kanina pa niya hinihintay. "What are you doing here?" Halata ang galit sa mukha at mga mata ng matandang si san Pedro. Sinalubong naman niya ang masama nitong tingin. Mariin siyang lumunok bago marahan na bumaba sa lupa para lumuhod sa paanan nito. Tila hindi naman inaasahan ng matanda ang ginawa niya. Matagal itong nakatitig sa kaniya ngunit naroon pa rin ang galit sa mga mata. "I'm sorry." Mariin siyang pumikit, nakahanda na siyang tanggapin ang lahat ng parusa na

