MARAHANG isinara ni Tricia ang isang English novel na binabasa niya para kay Sergio. Ayon sa doctor, makatutulong daw ang madalas na pakikipag-usap sa lalaki. Mula nang malaman niya ang tungkol dito, hindi na siya umaalis sa tabi nito at lagi itong kinakausap o binabasahan ng mga kuwento. Magtatatlong-araw na rin simula niyon. "Oh, nandito ka." Napangiti siya nang bumukas ang pinto at iniluwa si Andriano. May dala itong mga bulaklak at isang basket ng mga prutas. "Are you busy?" Umiling siya bago kinuha ang mga bulaklak na hawak nito. "Hindi naman. Katatapos ko lang siyang basahan ng libro." Nagtungo siya sa loob ng banyo at nagsalin ng tubig sa vase kung saan niya ilalagay ang mga bulaklak. "How is he?" "Hindi ko alam kung anong isasagot. Basta, buhay siya at iyon lang ang mahalaga.

