IBINABA ni Andriano sa ibabaw ng desk table ang bote ng alak na hawak nito, at pagkatapos ay naupo sa gilid ng mesa. Hawak niya ang kopita sa isang kamay habang nakatingala sa malaking portrait ng ama. Nasa loob siya ng silid na tinatawag niyang secret office. Tagong opisina iyon ng namayapang ama noong nabubuhay pa ito. Maging siya ay hindi nakakapasok doon dahil sa mga sikretong itinatago ng silid na iyon. Subalit nang tuluyang pumanaw si Mariano, nagkaroon siya ng pagkakataon mahanap ang tagong kuwarto, at natuklasan niya ang mga sikreto ng kanilang kahapon. Mga sikretong tuluyang nagpabago sa buong buhay niya. "Nandito pa rin ako." Mariin siyang lumunok habang nakatingala sa retrato. Sa ilang linggong paglayo niya sa asawa, kahit na nasa piling siya ng ibang babae ay hindi pa rin n

