NATIGILAN sa bungad ng pintuan ng opisina ni Andriano ang sekretarya niyang si Carol nang sandaling makita siya nito. Nagmamadaling lumapit sa mesa niya ang babae. "Sir! Wala pang alas-siete ng umaga, ah? Napakaaga mo naman pumasok!" Ngumiti siya habang nakatuon pa rin ang paningin sa ilang papeles na nasa harap niya. "Actually, hindi pa ako umuuwi." "Ho?" Mula sa kaniyang mukha ay bumaba ang paningin ng dalaga sa mga dokumentong pinag-aaralan niya. Napakagat-labi si Carol. Inayos ng mga ito ang lahat para sa pagbabalik ni Andriano. Mula sa mga empleyado nito sa kompanya, hanggang sa mga katulong sa mansiyon, naabisuhan na nila tungkol sa kalagayan ng lalaki kaya walang magsasalita kahit ano pa ang makita nila. Pero ang hindi niya naayos agad, ay ang mga papeles at impormasiyon sa ib

