NAKANGITING sinalubong nina Ada at Ligaya sina Andriano at Maggie nang makapasok ang mga ito sa malaking pintuan ng mansiyon. Agad na nagbuga ng hangin si Andriano habang nakatingin sa mukha ng dalawang katulong. "Kayo lang? Where are the others?" Maliban sa guwardiya nila at sa hardinero, hindi na niya nakita ang iba pa nilang kasambahay maging ang mga kinuha niyang security na dapat ay nagpa-patrol sa buong mansiyon. "Hindi n'yo ba ako narinig? Nasaan na ang iba?" Nakangiting lumapit sa kaniya si Maggie. "Uhm, Andriano, pinaalis na muna namin sila. Dahil kasi sa nangyari sa iyo—" "Sino ang nagpaalis? Ikaw?" Natigilan si Maggie nang salubingin niya ito ng matatalim niyang mga mata. Halos hindi ito makapagsalita kaya pinili niyang muling balingan ang dalawang katulong. "I'm asking,

