AFB 63

1224 Words

MAGKAHARAP na naupo sina Patti at Maggie sa loob ng canteen ng ospital. May dalawang baso ng kape sa harap nila. Umuusok pa iyon nang dahil sa init. "Bakit ka nandito?" panimula ni Patti habang matalim na nakatingin sa babaeng si Maggie na noong mga sandaling iyon, nakatuon ang mukha sa sahig. Nagbuga ito ng hangin bago tuluyang nag-angat ng paningin at sinalubong ang mga titig niya. "Nandito ako para kay Andriano." Hindi makapaniwalang ngumiti siya dahil sa narinig mula rito. "After everything you did? Ang kapal ng mukha mong pumunta rito! Ang dapat sa iyo, nabubulok sa kulungan!" "Patti, makinig ka muna sa akin—" "Ayaw kong makinig sa taong sinungaling!" "Kaya ka nga nandito, `di ba? Kaya ka sumama sa akin dito kahit na galit na galit ka, kasi gusto mong marinig ang dahilan kung ba

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD